AMBAGong Bayani Poster

Sa panahon ngayon ay hindi na sapat ang pag-asa sa isang tao upang iligtas o iahon tayo at ang ating bansang Pilipinas. Bagkus, dapat ay lahat tayo'y sama-samang magsumikap upang maging bayani at makapag-ambag sa kanya-kanya nating paraan. Ang proyektong ito ay isang interaktibong poster na kung saan ang gitnang espasyo ay salamin sa pisikal na anyo, at camera feed naman sa digital na anyo. Kung titingnan ang poster ay makikita ang sariling imahe rito na nagpaalala na ang pagiging bayani at ang pag-unlad ay nagsisimula sa sariling aksyon at pananagutan.

*I-download ang .py script at poster sa Source Code, patakbuhin ito, at pindutin ang C upang kumuha ng litrato.

Mga Kalakip

Balik sa Itaas